Kasaysayan ng DZLB sa UPLB: Pagsasahimpapawid mula campus radio tungong closed TV circuit
Article

Abstrakt
Tinatalakay sa papel ang kasaysayan ng DZLB, radyong pangkomunidad ng University of the Philippines- Los Baños (UPLB) sa Laguna, may layong 63-kilometro sa Maynila. Isinasalaysay rito ang kasaysayan ng radyo sa ilalim ng College of Development Communication (UPLB-DevCom). Umiinog ang salaysay sa pagsisimula nito noong 1964 sa ilalim ng College of Agriculture Department of Agricultural Information and Communication hanggang sa naging Institute of Development Communication ito.
Halos magkapanabayang isinasalaysay sa papel ang kasaysayan kung paanong naging University of the Philippines-Los Baños (UPLB) ang dating University of the Philippines College of Agriculture (UPCA). Nakapailalim ang College of Agriculture Department of Agricultural Information and Communication na naging Institute of Development Communication ang UP DevCom hanggang 1972 sa gitna ng mga matitinding pangyayaring pulitikal sa Pilipinas.
Saksi sa ebolusyong ito ang mga mag-aaral na sinasanay sa larangan ng agrikultura at komunikasyon upang epektibong maibahagi sa komunidad—sa loob at labas—ang mga kaalamang kailangan upang mapabuti ang agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng pagsasahimpapapawid sa School-on-Air at iba pang programa ng mga sinasanay na brodkaster at mamamahayag, nakikipagtalastasan sila sa pamamagitan ng DZLB sa mga magsasaka, mga ina ng tahanan, mga out-of-school youth at mga mag-aaral gamit ang air time sa radyo.
Plano sa kasalukuyan ng UPDevCom na magkaroon ng Online Teleradyo upang mas marating pa ang higit na malawak na mga nakikinig sa radyo at nanonood sa telebisyon.

 

Abstract
This paper discusses the history of DZLB, the community radio of the University of the Philippines- Los Baños (UPLB) in Laguna, some 63 kilometers away from Manila. It traces the history of the radio under the College of Development Communication (UPLB-DevCom) that started in 1964. It tells the story of how the College of Agriculture Department of Agricultural Information and Communication evolved into the Institute of Development Communication making the UPLB history its backdrop.
From UPCA, UPLB metamorphosed during the critical politic al events that culminated in 1972 when martial law was imposed in the Philippines. Witnesses to these unfolding events were the students who have been training in the field of communication and broadcasting. The campus and the communities within the reach of the DZLB radio have served as their laboratories. Through the School-on-Air and other programs, knowledge and information were broadcasted to the DLZB listeners who are farmers, housewives, out-of-school youth and students with the end in view of helping them raise their agricultural produce and eventually increase their income and improve the people’s quality of living.
The UPLB-DevCom also plans to have an online television-radio to expand and increase their reach among their listeners and viewers inside and outside of the UPLB campus.