Alternatibong Pagkalalaki, Alternatibong Musika: Ang Eraserheads at Kulturang Popular ng Dekada ’90
Article

Lubhang maimpluwensiya ang bandang Eraserheads sa musikang Filipino, subalit hindi kinikilala ang banda bilang tagapagtaguyod ng progresibong politika. Gayumpaman, sa peministang pagsusuri ng mga kanta ng banda, lalo na yaong mga awitin nilang hindi sumikat, makikita ang isang mayabong na diskurso ng kritisismo sa dominanteng pagpapakahulugan sa pagkalalaki. Bagama’t nakilala ang banda sa mga popular na kanta na may malinaw na pagkiling sa heteronormative na depinisyon ng pag-ibig, may mga awitin din silang humuhulagpos mula sa dominanteng pag-unawa sa kasarian. Habang hindi isinasantabi ang isyu ng komersiyalisadong kulturang popular, layunin ng sanaysay na ito na balikan ang mga himig ng Eraserheads bilang pagpapatampok sa alternatibong musika na naglalaman ng alternatibong pagtingin sa pagiging isang lalaki sa kasalukuyang lipunang nasasakal na sa populistang machismo.


The rock band Eraserheads exerts a huge influence on the Philippine music industry, but does not carry a reputation for advocating progressive politics. Nonetheless, by analyzing their songs, especially those that did not enjoy popularity, one sees a rich discourse of critique targeted at the dominant notion of manliness. Although the band is famous for lyrics that favored the heteronormative definition of romantic love, they also have songs that break free from the predominant understanding of gender. Without dismissing the issue of commercialized popular culture, this essay seeks to revisit the Eraserheads’ discography to foreground alternative music that showcases alternative perspectives about manliness against the context of present-day Philippine society constricted by macho populism.