Ang popularidad ng phallic jokes: Isang kritikal na pagsusuri sa mga phallokratikong pahayag ni Rodrigo Duterte sa midya
Article

Abstrakt

Bahagi ng lipunang Pilipino ang pagbibiro, polemikal man ito o sinasalita. Ngunit kahit kailan, hindi maituturing na “magandang biro” ang anumang sexista, patriarkal, machismo, o misogynistang pahayag na nagpapatibay sa kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, at pang-aabuso. Naging popular ang Duterte jokes, lalo na ang mga birong nagtampok sa kaniyang phallus, sa midya at tiningnan bilang “katawa-tawang” pahayag na kung tutuusin ay sumagasa sa ilang kaugalian at kalinangang Pilipino. Layunin ng pag-aaral na ito ang malapatan ng kritikal na pagsusuri ang mga naging pahayag ni Duterte na may direktang kinalaman sa kaniyang pagiging phallocrat, isang uri ng lider na nagpapakatianod sa sexistang patriarka. Mula sa dalawang pahayag niya hinggil sa kaniyang aring lalagpas sa pusod (mula sa 2019) at kaniyang sariling pagpapakahulugan sa utog (mula sa 2017 at 2019), sinuri kung paanong namayani, tinanggap, at pinagtawanan ng mga tagapakinig ang ganitong uri ng biro.

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay sumentro sa teksto ng popularidad ng mga birong kabastusan ni Duterte. Isang mito lang kung tutuusin na ang kaniyang mga phallokratikong pagbibiro ay bumaba sa kaunawaang masa at nagpapakita ng imahen ng bayang Pilipino, sapagkat kung susuriin, nilapastangan niya ang mga konseptong pangkalinangan at pangkamalayan ng mga Pilipino. Sa ganitong pananangkapan, napapatunayan tuloy ang penomeno kung paano at bakit napagtagumpayan ng mga post-kolonyal phallocrat na katulad ni Duterte na kuhanin ang loob ng sambayanan sa pamamagitan ng pagbibiro.

 

Abstract
In Philippine society, jokes are an integral element, whether polemical or verbal. But at no instance should any sexist, patriarchal, machismo, or misogynistic remark that reinforces a culture of impunity such as touching, rape, pain, and abuse be considered a “good joke.” Duterte jokes, especially his phallic jokes, became popular in media and was viewed as a “ridiculous” statement that, in fact, ran over some Filipino customs and culture. The purpose of this study is to take a critical analysis at Duterte’s remarks that are directly related to his being a phallocrat, a type of leader who is a sexist patriarch. From its two statements regarding his virile organ with length that reaches his navel (2019) and his own interpretation of utog (2017 and 2019), it examined how this type of jokes prevailed, accepted, and laughed at by the audience.

This part of the study focuses on the context of the popularity of Duterte’s obscene jokes. It is a myth that his phallocratic jokes have descended on the understanding of the masses and reflect the image of the Filipino people, because when examined, he actually desecrated the culture and consciousness of the Filipinos. Through this, the phenomenon of how and why post-colonial phallocrats like Duterte managed to win over the hearts of the people, via jokes is demonstrated.