Mula kay GMA Hanggang kay Duterte: Kritika sa Ilang Dokumentaryong Politikal at Pagmamapa sa Tunguhin ng Dokumentaryo sa Panahong Pinapaslang ang Politikal
Article
Pangkalahatang layon ng papel na ito na lapatan ng kritika ang ilang dokumentaryong politikal na nilikha ng mga indibidwal at ng mga pampelikulang kolektibo mula sa panahon ng panunungkulan ni Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III hanggang sa kasalukuyang “pasistang” (Imbong, 2020) rehimen ni Rodrigo Roa Duterte.
Sa kabuuan, may tatlong ispesipikong layunin ang papel. Una, pahapyaw na mailatag at mabigyang linaw ang isinusulong na pilosopiya at tindig ideolohikal ng mga dokumentaryong tinaguriang dokumentaryong politikal. Ikalawa, malapatan ng maka-uring kritika at re-eksaminasyon, patikular sa antas ng ideolohikal na panunuri, ang mga sumusunod na dokumentaryo—Red Saga (Dalena, 2004), Sa Ngalan ng Tubo (Tudla Multimedia Network & EILER, 2005), Tundong Magiliw (Maranan, 2011), The Guerilla is a Poet (Dalena, K. & Dalena, S., 2013) at Yield (Tagaro & Uryu, 2017). Panghuli, layon din ng papel na makapag mapa ng ilang proposisyon kung sa papaanong paraan lubos na mahihigit ang radikal na potensyal ng mga dokumentaryong politikal lalo na ngayong kay ilap ng hustisya at katwiran samantalang kay igting ng ligalig, kawalang pananagutan, at pasismo.
The comprehensive objective of this paper is to critique and interrogate selected political documentaries created by individuals and film collectives from the time of incumbency of Gloria Macapagal-Arroyo, Benigno Aquino III, until the current “fascist” (Imbong, 2020) regime of Rodrigo Roa Duterte.
In whole, the paper has three specific objectives. First, subtlety lay and give clarity to the impelling philosophy and political stance of documentaries deemed political in nature. Second, apply a class-based critique and re-examination, particularly on the level of an ideological analysis, to the following documentaries—Red Saga (Dalena, 2004), Sa Ngalan ng Tubo (Tudla Multimedia Network & EILER, 2005), Tundong Magiliw (Maranan, 2011), The Guerilla is a Poet (Dalena, K. & Dalena, S., 2013) and Yield (Tagaro & Uryu, 2017). Lastly, another goal of the paper is to be able to map out some propositions on how to fully extract the radical potential of political documentaries especially at this time of elusive justice and reason, while unrest, impunity, and fascism are intense.