Alternatibong Pagkalalaki, Alternatibong Musika: Ang Eraserheads at Kulturang Popular ng Dekada ’90
Article
Lubhang maimpluwensiya ang bandang Eraserheads sa musikang Filipino, subalit hindi kinikilala ang banda bilang tagapagtaguyod ng progresibong politika. Gayumpaman, sa peministang pagsusuri ng mga kanta ng banda, lalo na yaong mga awitin nilang hindi sumikat, makikita ang isang mayabong na diskurso ng kritisismo sa dominanteng pagpapakahulugan sa pagkalalaki. Bagama’t nakilala ang banda sa mga popular na kanta na may malinaw na pagkiling sa heteronormative na depinisyon ng pag-ibig, may mga awitin din silang humuhulagpos mula sa dominanteng pag-unawa sa kasarian. Habang hindi isinasantabi ang isyu ng komersiyalisadong kulturang popular, layunin ng sanaysay na ito na balikan ang mga himig ng Eraserheads bilang pagpapatampok sa alternatibong musika na naglalaman ng alternatibong pagtingin sa pagiging isang lalaki sa kasalukuyang lipunang nasasakal na sa populistang machismo.
The rock band Eraserheads exerts a huge influence on the Philippine music industry, but does not carry a reputation for advocating progressive politics. Nonetheless, by analyzing their songs, especially those that did not enjoy popularity, one sees a rich discourse of critique targeted at the dominant notion of manliness. Although the band is famous for lyrics that favored the heteronormative definition of romantic love, they also have songs that break free from the predominant understanding of gender. Without dismissing the issue of commercialized popular culture, this essay seeks to revisit the Eraserheads’ discography to foreground alternative music that showcases alternative perspectives about manliness against the context of present-day Philippine society constricted by macho populism.
Pambihirang Bakla: Ang Homoseksuwalisasyon sa Tambalang Bakla sa Bakla ng “Ang Boyfriend Kong Bading” ni Allan K.
Article
Ang pag-aaral na ito ay bahagi ng isang proyektong nangangalap ng mga awiting OPM sa Filipino, Tagalog, at Ingles nitong huling 30 taon na ipinakikita ang bakla bilang isang tauhan, tagapagsalita, o pagtatanghal—lahat upang matunton ang iba’t ibang pagkakalikha ng mga pagkataong gay, bakla, at homoseksuwal sa kulturang lokal. Sa pamamagitan ng malapitang pagbabasa ng lyrics ng mga awit na ito, ng musika(lidad)/areglo kasama ang kumbinasyon ng mga pag-aaral na queer, kultural, at pangkasarian, ay nilalayon ng proyektong ito na matukoy ang mga katangian ng mga identidad na ‘di-heteroseksuwal sa pamamatigan ng tekstuwal at mapagtanghal na pakikisalamuha sa mga ito ng musika.
Ang bahaging ito ng naturang pag-aaral ay nakatutok sa malapitang pagbasa ng kantang “Ang Boyfriend Kong Bading” ni Allan K na nagsisiwalat ng samutsaring patong ng mimicry at performativity na kinakatawan ng teksto sa pamamagitan ng adaptasyon at ang pagsasaboses ng kasarian. Sa tulong ng ganitong mga kasalimuotang laman ng isang awit at ng paglaganap ng isang identidad na binabanggit ng awit bilang bunga ng lunan nito, layon ng pag-aaral na ito na ipakita kung paanong sa pamamagitan ng talas, ironiya, at paggamit ng mga tipikal na tatak-bakla ay natatawid ng kasarian ang espasyo ng sekuwalidad.
This study is part of a project that seeks to gather Filipino, Tagalog, and English OPM songs in the last 30 years that feature the bakla as a character, as a persona, or as a performance––all in an effort to trace the development of the gay, bakla, and homosexual identities in Philippine culture. Through the close-reading of lyrics and music(ality)/arrangement coupled with a combination of cultural and gender, gay, and queer studies, the project aims to determine the features of what constitutes these non-heterosexual male identities in the country through the textual and performative interventions of music.
This particular segment of the study dedicated to Allan K.’s “Ang Boyfriend Kong Bading” is a close-reading of the mentioned song through several layers of mimicry and performativity that the text is able to embody by employing the techniques of adaptation and the emulation of gender-driven voicing. Through such complexities of song and the existence of an identity that the song’s utterance achieves in its milieu, the study aims to show how wit, irony, and the assumption of bakla stereotypes are able to give way for gender to cross the borders of sexuality.