Ang pagpápatawá bilang kritika: Isang pagsusuri sa kritisismo ng/sa seryeng Kung Puwede Lang (KPL) ng Facebook page na VinCentiments
Article
Abstrakt
Ang Facebook page na VinCentiments ang nasa likod ng mga viral short film tulad ng Kung Pwede Lang (KPL). Tungkol ito sa hinaing ng isang estudyante sa kaniyang guro na umani nang mahigit 16 milyong views. Kalimitang tinatalakay ng VinCentiments ang mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng parodiya. Gamit ang konsepto ng Pantawang Pananaw ni Rhoderick Nuncio (2002) at Sociology of Humor ni Giselinde Kuipers, sinipat ng papel ang kritisismong nangingibabaw sa kanilang maiikling pelikula. Nilimitahan lamang ang pagsusuri sa piling maiikling pelikula na kabilang sa seryeng KPL na inilabas mula Hunyo hanggang Disyembre 2018: ang (a) KPL; (b) Resbak Kakak ni Mam; (c) BOSSABOS; (d) The OFW Rant.
Abstract
VinCentiments is the Facebook page behind the viral short films, such as Kung Pwede Lang (KPL), a 4-minute video that features a student who is complaining to her teacher. This video reached more than 16 million views. VinCentiments usually tackles social issues in a comical and parody way. Using Rhoderick Nuncio’s concept of Pantawang Pananaw (2002), this paper explored the criticisms that transcends in their short films. The analysis was limited in the chosen short films that are included in the KPL series which were posted from June to December 2018: (a) KPL; (b) Resbak Kakak ni Mam; (c) BOSSABOS; (d) The OFW Rant.