Ang Kasalimuotan ng Pagiging Fangirl: Ilang Alternatibong Pagtanaw sa Mundo ng Kababaihang Paghanga
Article
Malaki ang papel ng midya sa paghubog ng popular na kamalayan hinggil sa mga babaeng tagahanga. Sa artikulasyong nagmumula sa labas, hindi na bagong maisadlak sa representasyong patolohiko ang mga tagahanga na muling binalingan at sinandigan ng pelikulang humalaw ng pamagat sa identidad na madalas niyayakap ng mga tagahangang babae—ang Fan Girl (Jadaone, 2020). Sa pamamagitan ng paglalatag ng pagtatalabang panlabas at panloob na sumisipat at nagbibigay-pagkakakilanlan sa identidad na ito, patitingkarin ang bisa ng fandom bilang sityong maaaring pag-ugatan ng alternatibong diskursong hindi lamang umaalagwa sa hegemonikong pagkilala sa mga fangirl, kundi nag-aalok din ng artikulasyon hinggil sa pansariling nosyon kung papaano maipapahayag ang kababaihang paghanga. Naka-angkla sa praktika ng fangirling, ilalahad ng papel ang mga mekanismong sinusuong ng fandom upang pasubalian ang talamak na representasyon, at ipakilala ang sariling identidad ng komunidad na patuloy na kasangkot sa paglikha ng mapagpalayang pagtanaw sa kasarian at seksuwalidad.
Mainstream media has played a vital role in shaping popular consciousness about female fans. Such articulations that emanate from outsiders oftentimes adhere to pathological representation that was revisited and compounded by a recent film that adapted for its title the identity embraced by female fans—being a Fan Girl (Jadaone, 2020). Through the analysis of conflicting views from outside and inside the community that interpret a fangirl’s identity, the paper will highlight the fandom’s efficacy as a site where alternative discourse arise that does not just oppose the hegemonic recognition against fangirls, but also offers an articulation how the community developed its notion of female fan expression. Anchored to the practice of fangirling, the paper will show mechanisms fans undergo to object the existing deep-rooted representation and exhibit the identity of a community that has long been involved in the creation of a more liberating view of gender and sexuality.