Representasyon ng Pagkalalaki sa Pelikulang Bakbakan ni FPJ
Article

Nakalunan ang pag-aaral na ito sa representasyon ng mga bidang lalaki sa ilang piling pelikula ni Ronald Allan Poe Kelly, o mas kilala sa pangalang Fernando Poe, Jr. (FPJ). Mula sa masinsin na pagbasa sa mga pangunahing bida, nakabuo ng mga bagong kategorya sa representasyon ng mga bidang lalaki sa pelikulang bakbakan. Natukoy ang infantilisado, trigger-happy at sadistang bida na patuloy na nilikha sa mga pelikula ni FPJ. Maituturing na bahagi ng kultural na pag-aaral ang pananaliksik kung saan ginamit ang palitan ng mga dayalogo at eksena sa pelikula sa paglikha ng representasyon ng pagkalalaki. Upang bigyang-katuturan ang mga kategoryang nalikha sa panunuri, kinailangang ilapat ito sa mas malawak na konteksto ng usaping panlipunan na nasa anyo ng biswal na kultura. Ginawang batayan ang mga nalikhang kategorya upang basahin ang proyektong Metro Guwapo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panahon ng pamumuno ni Bayani Fernando. Bukod dito, ginamit din ang nalikhang kategorya upang basahin bilang politikal at kultural na teksto ang matrimonya ng estado at militar sa panahon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa huli, ginamit na batayan ng pagbasa ang nalikhang representasyon ng pagkalalaki sa isang larawan ng dating U.S. Ambassador sa Pilipinas na si Kristie Kenny habang nagbibigay ng panauhing pananalita sa mga taga-Mindanao na pangalagaan ang Lake Lanao.

Representation of Masculinity in FPJ’s Action Films
Article

This study focuses on the representation of male protagonists in several selected films of Rronald Aallan Poe Kelly, or more famously known as Fernando Poe Jr. (FPJ). New categories of the representation of male protagonists in action films were arrived at after a thorough reading of the main heroes. The infantilized, trigger-happy, and sadist protagonists that FPJ’s films created were identified. This research, which uses dialogue exchanges and movie scenes to create a representation of masculinity, can be regarded as part of cultural studies.

In order to give meaning to the categories created by this study, these need to be projected onto a wider context of social issues that take the form of visual culture. The produced categories became the basis with which to analyze the Metro Guwapo project of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) during the term of Bayani Fernando. In addition, these categories were also used to analyze the matrimony of the state and the military during the tenure of former President Gloria Macapagal-Aarroyo as a political and cultural text. Lastly, the created representation of masculinity was used as the basis with which to analyze a photo of former U.S. Ambassador to the Philippines Kristie Kenny as she was delivering the guest of honor’s speech urging Mindanaoans to take care of Lake Lanao.