Bida ang Pinoy?: Isang panimulang pagsasalarawan ng Pinoybaiting sa YouTube
Article
Isang bagong estratehiya sa YouTube ang “Pinoybaiting” na ang mga dayuhang YouTuber ay gumagawa ng mga video tungkol sa Pilipinas at mga Filipino. Nilalayon ang papel na ito na magsagawa ng panimulang akademikong pagsusuri sa konsepto ng Pinoybaiting sa YouTube para maintindihan ang penomenon na ito, sa pamamagitan ng pagsusuri sa may 20 Pinoybaiting video para mauri at mailarawan ang mga Pinoybaiter, channel ng mga Pinoybaiter, at tema ng Pinoybaiting, at gayundin ay matutukoy ang mga retorikang ginamit para makakuha ng maraming view, at para magagap ang padron ng mga reaksiyon at komento para sa mga nasabing video. Makatutulong ang resulta ng pananaliksik na ito upang maging patnubay bilang literatura, at makapaghain ng metodong magpapalawak ng dimensiyon na dumadalumat sa pagtukoy sa mga katangian ng Pinoybaiting at mga diskursong kaugnay nito.
“Pinoybaiting” is a new strategy used by foreign YouTubers who create content about the Philippines and the Filipinos. This paper aimed to be the first academic study on the phenomenon of Pinoybaiting in YouTube by analyzing 20 samples of Pinoybaiting videos to classify and characterize Pinoybaiters, their channels, and their themes, as well as to identify the rhetorics used in order to attract more viewers, and to discern the pattern of reactions and comments gathered by these videos. The result of this research can be used as a literature guide, and introduces method that will expand the dimension of empirical study about Pinoybaiting and its related discourses.