Pinoy thirst trappers: Panimulang pagsipat at paglalarawan ng thirst trapping ng mga piling Filipinong YouTuber
Abstract
Itinuturing ang YouTube bilang isang participatory culture. Naging makapangyarihan ang YouTube sa pagbibigay ng bagong plataporma hindi lamang sa mga batikan na sa larangan ng midya kundi maging sa mga baguhan o amateur pa lamang sa paggawa ng mga personal video. Habang patuloy na umuunlad ang mundo ng social media, lalo pang naging laganap ang paggamit ng self-sexualization at nagluwal pa ito ng bagong konsepto na mas kilala ngayon sa tawag na thirst trap. Isang halimbawa ang thirst trap ng isang mas pinalawig na selfie culture, madalas itong isang uri ng larawan na ginagamit upang akitin ang mga tao na purihin ang kanilang seksing katawan. Ang papel na ito ay isang eksploratoryong pagsusuri ng karakterisasyon ng thirst trap ng mga Filipino sa YouTube. Sinuri sa papel na ito ang mga video ng 10 sampung Filipinong thirst trapper sa YouTube. Sa kabuuang pagdalumat ng konsepto ng self-sexualization gamit ang thirst trap sa YouTube hangad ng papel na ito na makapagbukas ng bagong diskurso tungkol sa napapanahong paksang ito. Magagamit ang resulta ng pag-aaral upang mapalawak ang diskurso na may kinalaman sa new media at self-sexualization.
YouTube is seen as a form of participatory culture. It has proven effective in providing a platform for people who are not only professionals in the field of media but also amateurs in video production. While the field of social media is constantly expanding, so is the usage of self-sexualization, which is now referred to as the thirst trap. Thirst trap is an example of a widely practiced selfie culture, or the capacity to upload images in order to attract people’s attention to their sexy bodies. This research is a preliminary investigation into the characterization of the thirst trap concept in YouTube. Using the concept of thirst trap in YouTube, this study aims to start a new discourse about self-sexualization. This study’s findings can be used to further the discourse on new media and self-sexualization.