Kaloka, Keri, Bongga: Pakahulugan at Pahiwatig ng Gay Language sa mga Piling Pelikula ni Vice Ganda

Abstract

Using the framework of Pragmatics and Grice’s (2012) cooperative principle and conversational maxims,  this paper dissects the gay language’s contextual meanings, and effects on narrative and characterization as used in Vice Ganda’s selected hit films. This paper also scrutinizes the socio-cultural-political implications of the use of gay language as manifested in the role and image of the gay-language-speaking characters and how these might actually reflect empowerment and/or oppression of gays in a heteronormative society. Analyses indicate that while the use of gay language may not be indicative of gays’ social class or status, it reflects the experience, culture and discipline in which the gay takes part. Further, while Vice Ganda’s brand of humor and personality are still apparent and that gay language was used to induce laughter, it cannot be denied that, amidst society’s minoritization of gays, there are deeper underlying meanings and significance for such use of gay language.


Gamit ang balangkas ng pragmatics at ng cooperative principle at conversational maxims ni Grice (2012), hinimay ng papel ang kontekstuwal na kahulugan at epekto sa naratibo at karakterisasyon ng gay language na ginamit sa mga piling pelikula ni Vice Ganda. Siniyasan din ng papel ang sosyo-kultural-politikal na implikasyon ng gay language na nahayag sa gampanin at imahen ng baklang nagsasalita ng gay language, at kung paano nito nasasalamin ang tunay na katayuan at kalalagyan ng bakla sa heternormatibong lipunan. Lumitaw sa pagsusuri na hindi man naipapahiwatig ang uri o estado sa lipunan ng mga bakla sa paggamit ng gay language, nasasalamin nito ang karanasan, kultura, at larangang kinabibilangan ng bakla. Bukod dito, litaw man ang tatak ng humor at personalidad ni Vice Ganda at kadalasan mang nasa modo ng pagpapatawa ang paggamit ng gay language, hindi maitatanggi na may higit na malalim na kahulugan at kabuluhan ang lengguwahe sa gitna ng pagsasantabi sa mga bakla ng lipunan.