Iginiit na himig sa himpapawid: Musikang Filipino sa radyo sa panahon ng kolonyalismong Amerikano

Abstract

Abstrakt
Naging mahalagang kasangkapan ang radyo upang mapalaganap ng mga Amerikano ang wikang Ingles at musikang kanluranin noong panahon ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Ngunit nang buksan nila ang mga unang himpilan ng radyo sa bansa noong dekada beynte at treynta, kinailangan nila ang mga mang-aawit at musikerong Filipino upang awitin at tugtugin ang mga himig nila sa himpapawid. Ito ang naging daan upang maisingit ng mga Filipino ang sariling awit at maging ang sariling wika sa kanilang mga programa sa radyo. Kaya bagama’t naging popular ang jazz at iba pang banyagang musika sa pamamagitan ng radyo, pumailanlang rin ang kundiman at iba pang musikang maituturing na sariling atin, at maging ang mga bagong himig Filipino na may bahid ng kanluraning musika. May mga pagkakataon na sumahimpapawid ang ilang awiting taglay ang paglaban sa kolonyal na kondisyon.

Abstract
Radio broadcasting, which the Americans introduced to the Philippines in 1922, was quite successful in its project of promoting the English language and western music during the American colonial period. Apart from playing imported music on the air, radio featured Filipino musical artists deftly performing western pieces. However, the new medium also became an opportunity to re-express Filipino music and Philippine languages, especially Tagalog, to a nationwide audience. A flowering of the kundiman and Philippine folk songs was attributed to radio, while local composers who scored movies created new kundiman pieces, even if some adopted the American idiom of jazz. In notable cases, songs that posed a radical resistance to the colonial condition were heard on the air.