Dali-dali at dekonstruksyon: Poetika at politika sa panahon ng pinagmamadaling pagtula
Abstract
Abstrakt
Sinisiyasat sa pag-aaral na ito ang mga digital na pamamaraan ng paglikha at pagpapalaganap ng panulaan sa Pilipinas sa panahon ng mga panguluhan nina Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III, at Rodrigo Duterte. Ang korpus ng mga akdang sinuri ay mga tulang nilikha at ipinalaganap sa pamamagitan ng mga online generator, single message service (SMS) o text messaging, at social media, partikular sa Twitter. Ang demokratikong akses sa mga bagong teknolohiyang ito ay nagbigay ng bagong plataporma sa mga makata at manlilikha ng panitikan upang ipamalas ang kanilang sining at upang siyasatin ang kalagayan ng lipunan. Kapuwa eksplorasyon ng genre at ng politikal na praxis ang pagluluwal ng tula sa pamamagitan ng mga digital na plataporma. Pinag-aralan ang mga tulang digital sa balangkas ng tinawag ni Leonardo Dianzon na mga kultural na tradisyon ng panunudyo at panunuya. Ginagalugad din sa papel na ito kung paanong nag-aambag ang mga makata sa panahon ng digital na makina sa pampanitikang kontinuum at tradisyong protesta ni Marcelo H. Del Pilar at ng Kilusang Propaganda.
Abstract
This paper studies the digital modes of producing and distributing Philippine poetry during the presidencies of Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III, and Rodrigo Duterte. The corpus used for this study are various poems created and dispensed through online generators, single message service (SMS) or text messaging, and social media, Twitter in particular. Democratic access to these new technologies has given literary producers newer platforms to exercise creativity and to interrogate the times. Poetry production via digital platforms is both an exploration of the genre and of political praxis. This paper studies select digital poems traversing what Leonardo Dianzon expounded as the cultural traditions of panunudyo (parody) and panunuya (irony or sarcasm). Further, this paper explores how poets in this digital age have variably contributed to the literary continuum and protest tradition of the Propaganda Movement’s Marcelo H. Del Pilar.